Bagong kanta, inawit sa unang pagkakataon at inalay ng Air Supply sa Pinoy fans

Image from Platinum List

Hinarana ng Australian soft rock duo na Air Supply ang kanilang mga Cebuano fans sa kanilang concert na ginawa sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino noong Martes ng gabi, ika-7 ng Marso.

Ayon sa Inquirer, inalay nina Graham Russell at Russel Hitchcock ang latest single nila na may pamagat na “Free to Love” para sa kanilang Pinoy fans na tinawag nilang “very enthusiastic audience.”

“We would like to dedicate the new single to our Filipino fans, we are going to play it for the first time [Nais naming i-alay ang bagong single sa mga Filipino fans, unang beses pa lang namin ito tutugtugin] ,” sabi ni Graham Russel, ang singer-songwriter at guitarist ng Air Supply, sa naunang press conference noong Lunes, ika-6 ng Marso.

Sinabi naman ng lead vocalist na si Russel Hitchcock na dapat sana ay noong December 6, 2016 ang concert nila sa Cebu pero naudlot dahil nagkasakit siya. Ayaw umano nilang mag-perform kung hindi nila maibibigay ang kanilang “the best.”

Nakailang balik na rin  ang Air Supply sa Cebu at sabi ni Hitchcock isa raw sa dahilan ng madalas nilang pagbalik doon bukod sa Pinoy fans ay ang lechon.

On their Facebook page, they shared a vid of their first time to perform “Free to Love”.