Balik-showbiz na! Celebrity couple Richard at Sarah, magiging magka-loveteam

Mga imahe mula sa FacebookMga imahe mula sa Facebook

Sabik na sabik na ang aktor na si Richard Gutierrez sa magiging unang proyekto niya sa muling pagbabalik sa showbiz — espesyal daw ito sapagkat ang magiging ka-loveteam niya ay si Sarah Lahbati, na mismong partner niya at ina ng kanyang anak

Ayon sa Abante, kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe sina Gutierrez at Lahbati ngunit sa kanilang pagbabalik sa bansa ay agad na silang sasabak sa bago nilang proyekto under Viva Films.

Kailan lang ay inamin ng ina at manager ni Gutierrez na si Anabelle Rama na namimili ng trabaho ang aktor. Aniya, marami sana itong natatanggap na offers ngunit tumatanggi ito.

Saad ni Rama, may offer pa nga raw dito ang ABS-CBN ngunit bahala na raw ito magdesisyon kung kanya itong tatanggapin o hindi. Kapag may dumating daw na proyekto, binabasa raw muna nito ang script.

Sa ngayon ang nais nito ay ang mga proyektong hindi pa niya nasubukang gawin, wika ng ina ni Gutierrez. Ito na kaya ang proyektong iyon?

Europe trip

Samantala, sa Europe ay nag-bonding sina Gutierrez at Lahbati, kasama ang kani-kanilang mga magulang, at ang anak nila na si Zion. Mula sa Switzerland, tutuloy sila ng Paris, France kung saan sila mananatili hanggang sa Huwebes.

Ayon kay Rama, matagal na niya umanong kinalimutan kung anuman ang naging problema nila ng ina ni Lahbati na si Esther. Hindi na rin nila pinag-uusapan ang nangyaring gulo noon.

Masaya raw ang lahat at walang problema lalo na ang kanyang anak, na masayang-masaya umano kasama ang asawa at anak niya.

Samantala, sa murang edad ni Zion, hinihiling na ng mga fans na mag-artista na rin ito ngunit ayaw nina Gutierrez at Lahbati na tuluyang pasukin ng kanilang anak ang pag-aartista. Biro pa ng ama, papayagan lang niyang mag-artista si Zion kapag natapos na nito ang kolehiyo.

Source :

Abante, PEP, DF