Baril nadiskubre sa kahon ng PS4 console ng isang pasahero sa NAIA

Image from ABS-CBN NewsImage from ABS-CBN News

MAYNILA, Pilipinas – Nadiskubre ang isang kalibre .45 na baril sa loob ng isang kahon ng PS4 console ng isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Martes, ika-14 ng Marso.

Kinilala sa ulat ng ABS-CBN News ang may-ari ng kahon na si Verlyn Tadeo Valenciano, 36-anyos at isang negosyante mula sa Subic, Zambalez.

Patungo umanong Dumaguete si Valenciano at nakatakda itong lumipad sakay ng Philippine Airlines flight PR 2543 nang maispatan sa x-ray monitor ng mga naka-duty na scanner na sina Manny Louie Oliva at Carlo Mendoza ang backpack ni Valenciano na may lamang kahina-hinalang bagay.

Nang sitahin at suriin ang bag ng pasahero, isang kahon ng PlayStation ang nakita rito. At nang buksan ay natagpuan sa loob ang mga nakakalas na parte ng baril na nababalot sa carbon paper.

Wala namang maibigay na paliwanag si Valenciano at wala rin itong maipakitang kaukulang dokumento para sa nasabing armas kaya sasampahan siya ng paglabag sa illegal possession of firearms.

Kasalukuyan ring iniimbestigahan ang background ng suspek.

Loading...