Basta Masaya ang mga Filipino sa War on Drugs, Dela Rosa Walang Pakialam sa Batikos ng International Community

File PhotoFile Photo

Wala umanong pakialam si Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa sa negatibong persepsiyon ng international community basta masaya ang mga Filipino sa war on drugs ng pamahalaan.

I don’t care what the Europeans say, I don’t care what the American’s say but what I care about are what the lowly Filipinos say about our campaign on drugs,” ayon kay Dela Rosa.

Ayon sa ulat ng GMA, ito ay reaksiyon ni Dela Rosa sa naganap na  Pulse Asia survey dahil sa pagkakaroon ng  sense of security ng mga Filipino sa gitna ng kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.

Ang naturang survey ay isinagawa noong Disyembre 2016, na nagpapakita na 81% ng mga Filipino ay may ligtas na pakiramdam dahil sa drug war, na umani naman ng batikos mula sa international groups.

Nitong Marso 25 lamang ay 82% ng mga naninirahan sa Metro Manila ay nagsabi na may ligtas na pakiramdam sila dahil sa drug war; ayon sa Pulse Asia.

“‘Yung taumbayan talaga ang pinaka-gauge ng ating trabaho,” ani Dela Rosa.

Bahala na sila, wala akong pakialam sa kanila basta importante masaya ‘yung Filipino mismo because we are working for the Filipino people, not [for] the foreigners,” dagdag pa nito.

Sinalungat naman ni Dela Rosa ang ulat na may at least 7, 000 kaso ng  drug-related killings ang naitala sa bansa simula nang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang war on drugs.

Kamakailan ay inaprubahan ng European Parliament ang isang joint resolution na humihiling sa imbestigasyon ng United Nation sa killings sa bansa kaugnay sa drug war ng pamahalaan.

Sinuportahan naman ng European Union ang isang independent international investigation  ng UN Human Rights Council upang maipaimbestiga ang drug suspects’ killings sa bansa.

Hinimok din nito na palayain si Senador Leila de Lima na nakakulong dahil sa kaso ng iligal na droga.

Ilan sa mga bumabatikos sa drug war ay ang Human Rights Watch at Amnesty International.

Source :

GMA, Balitang DF, GMA

Loading...