Bilang Paggunita sa 1st Christian Mass sa Bansa; “Pinoy Aquaman” Lumangoy mula Limasawa hanggang Southern Leyte

Mga larawan mula sa Facebook account ni Ingemar MacarineMga larawan mula sa Facebook account ni Ingemar Macarine

Bilang paggunita sa  kauna-unahang Christian mass na ginanap sa Pilipinas, lumangoy ang tinaguriang “Pinoy Aquaman” mula sa Limasawa Island hanggang Barangay Tangkaan sa Padre Burgos, Southern Leyte.

Si Ingemar Macarine, isang abogado at triathlete, ay lumangoy ng 10.34 kilometers nang walang humpay sa loob ng 4 na oras at 34 na minuto; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ayon kay Macarine, nais lamang niyang gunitain ang kauna-unahang Christian mass na ginanap sa Limasawa, 496 taon na ang nakalilipas, habang pino-promote  rin nito ang malinis na karagatan at mga beach.

Thank you so much Gov. Damian Mercado, Board Member Lee Uy, Mayor Nilo Petracorta, Vmayor Melchor Petracorta, Mayor Hermenegildo Culpa, Vmayor Freiche Poblete, Philippine Coast Guard, Bantay Dagat, & my navigator Roel Catoto for the support. Encountered strong current & big waves during the swim,” ayon sa caption na isinulat ni Macarine.

Nitong Enero, kinansela ni Macarine ang pagtatangkang lumangoy ng 12 kilometro mula sa Camiguin Island hanggang sa Balingoan, Misamis Oriental dahil sa masamang panahon.

Taong 2014, siya ay lumangoy na rin ng 21 km sa Estados Unidos mula tanyag na Alcatraz Island hanggang sa  baybayin ng San Francisco.

Nitong Nobyembre 2016, lumangoy si Macarine ng 17.1 kms mula Carlos P. Garcia in Bohol hanggang Maasin City sa Southern Leyte.

Source :

Facebook, ABS CBN