Bilang Pagsuporta sa Mga Kababaihan, Ilang Kalalakihan Nagsuot ng High Heels sa Laoag City

Imahe  mula WikipediaImahe mula Wikipedia

LAOAG CITY – Agaw atensiyon ang ilang mga kalalakihang  nakilahok sa parada na nakasuot ng high heels  bilang pagpapahayag ng suporta sa mga kababaihan

Kaugnay sa pagdiriwang ng International Women’s Month, mahigit 2,000 kababaihan ang nakilahok sa parada na isinagawa sa Laoag City nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ilan sa mga nakilahok ay miyembro ng council of women mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Para kay Markvin Mariano, isa sa mga dumalo sa parada, ang pagsusuot ng high heels ay isang paraan ng pagsuporta sa mga kababaihan.

Aniya, ang mga kababaihan ay minamahal, pinoprotektahan at iginagalang.

Ilan din sa mga nakilahok ay mga lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) community.

Ayon kay Laoag City Mayor Chevylle Farinas, ang event ay para sa lahat at walang pinipiling anumang kasarian.

Nagpapasalamat ako kasi hindi lamang mga katulad kong babae ang pumunta pati mga lalaki. There were some na nag-high heels para sumuporta and LGBT also joined us. So, more than giving tribute siguro sa mga katulad nating babae, it is also to show that in the city, everybody is accepted,” ani Farinas.

Matapos ang parada, isinagawa ang programa kung saan ibinida ng mga grupo ng mga kababaihan ang natatanging husay sa pagsayaw.

Ayon kay Mary Ang, Laoag City Local Council for Women president, ang talento at personalidad ng mga kababaihan ay ipinagdiriwang at ina-appreciate.

We celebrate the personality of a woman, hindi na katulad noon na nahuhuli o natatapakan o nawawala. Today, now, a sign that woman has improved through empowerment,” saad ni Ang .