‘Botcha’ Pala: 15-Katao, Inoobserbahan sa Posibleng Anthrax Dahil sa Pagkain ng Kinatay na Kalabaw

Imahe mula sa video ng GMA via You Tube

Bilang responsableng mamamayan ay marapat na tiyakin din ang kalidad ng pagkaing ipinapasok sa ating katawan.

15-residente ng Lagangilang, Abra ang inoobserbahan ngayon matapos makitaan ng sintomas ng sakit na anthrax galing sa diumano’y pagkain ng kalabaw nitong Biyernes.

Ang mga residente ay nakaranas  ng pangangati ng balat, mga sugat sa katawan, paninikip ng dibdib at pagdurumi; ayon sa ulat ng GMA.

Kinatay umano ng mga residente ang isang namatay na kalabaw at saka nila kinain.

Ngunit nabatid naman ng mga awtoridad na double-dead o botcha na ang karne ng kalabaw.

Maaari umanong namatay ang hayop dahil sa anthrax.

Ang anthrax ay sakit na dulot ng bacteria na “bacillus anthracis” na nakukuha sa lupa; ayon sa Abra Veterinary Office,

Dagdag pa nito, na ang ganitong klase ng sakit ay madalas tumatama sa mga hayop tulad ng kalabaw at posible umanong maipasa rin ito sa tao sa pamamagitan ng pagkain sa karne ng hayop na may anthrax, at paglanghap ng anthrax spores.

Nakaantabay naman ang health office sa resulta ng laboratory tests sa mga dugo ng mga biktima upang matukoy kung anthrax ang tinamong sakit.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

Source :

You Tube, GMA