Buking na? Benjamin, nadulas tungkol sa monthsary nila ni Julie Anne?

Mga imahe mula sa FacebookMga imahe mula sa Facebook

Hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin ang aktor na si Benjamin Alves at ang singer-actress na si Julie Anne San Jose — ngunit waring nadulas na si Alves nang tanungin kung nagse-celebrate sila ng monthsary.

“Oh yeah!” mabilis niyang sagot, ayon sa PEP.

Natawa ang aktor sabay bawi, “Well, mostly ng fans club. Kasi 19th, magma-monthsary. ‘Yong fans po, nagma-monthsary sila. So, mag-a-anniversary na.”

Tinanong din si Alvez kung hindi ba siya natatakot na ma-bash ng fans ni Julie Anne — na mga sobrang aktibo sa social media — kapag hindi sila nagkatuluyan?

“Wala, I’ll understand. I mean, nagha-hypothetical tayo. If we end up or, you know, I just hope na I’ll understand them,” wika ng aktor.

Kamakailan ay sinabi ng dalawa na sila ay nasa “exclusively dating” stage.

Kasalukuyang napapanood ang dalawa sa afternoon drama series na Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Panoorin ang ilan sa kanilang mga eksena:

 

Source :

PEP, KAMI, YouTube, YouTube

Loading...