Celebration of Love nina Fashion Designer Francis Libiran at Partner, naganap sa Boracay

Mga larawan mula sa Instagram ng My Metro Photo

Higit pa sa isang seremonya, ito’y selebrasyon ng pagmamahalan.

Nagdiwang si Top fashion designer Francis Libiran ng kanilang “celebration of love” kasama ang businessman boyfriend na si Christian Mark Jacobs sa Boracay nitong Biyernes.

#jlib 👬❤️

A post shared by Jing Monis (@jingmonis) on

 

Sina Libiran at Jacobs ay nakasuot ng ternong blue suits sa kanilang “exchanged vows” sa isang seremonya na dinaluhan ng mga kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Today proves that a specific prayer works and God listens,” ani Libiran kay  Mark sa kanilang vows, bago nagbirong: “I prayed for a partner who’s taller than me.”

I have loved you on the first day I met you, and I will love you still in the days to come. How can I not when you do not fail to make me feel special every single day?” dagdag pa ni Liberan.

Sina Libiran at Jacobs ay nagkakilala sa Paris noong 2014.

Kabilang sa mga personalidad na dumalo sa naturang exchange of vows ay sina Kaye Abad, Robin Padilla, at host Tim Yap.

And he's ready to roll…. #JLib

A post shared by Nat Manilag (@natmanilag) on