Cesar Montano, pinabulaanan at tinawag na baseless ang reklamo tungkol sa kanya

Imahe mula sa SMNI

Isang paninira lamang at walang basehan ang umano’y reklamong ipinarating sa Presidential Action Center laban sa kanya ng mga hindi nagpakilalang mga empleyado ng Tourism Promotions Board (TPB), ayon kay Cesar Montano, chief operating officer ng TPB.

Ayon sa  ulat ng Abante, sinabi ni Montano na noon pang Disyembre ay may balak ang mga empleyado ng TPB upang pigilan siya na ibulgar ang mga anomalya sa nasabing ahensiya.

Umapela ang aktor sa publiko na huwag paniwalaan ang akusasyon laban sa kanya dahil anonymous ang pinagmulan ng reklamo.

“The allegations made against the Office of the COO, through a complaint filed anonymously, are baseless and untrue,” sabi ni Montano sa isang pahayag.

[Ang mga alegasyon laban sa Office of the COO, sa pamamagitan ng reklamo na inihain anonymously, ay walang basehan at hindi totoo]

Si Montano ay inerereklamo dahil sa mismanagement umano ng ahensiya at sa posibleng korapsyon.