Dalawang Putol na Kanang binti ng Tao Natagpuan sa isang Dumpsite sa Malolos

File Photo

Dalawang kanang binti na tila sinunog ang natagpuan sa isang dumpsite sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Malolos, Bulacan.

Parang ginamitan ng ano ‘to… hindi ginamitan ng kamay… parang may machine maganda ‘yung pagkaputol,” ayon kay Police Superintendent Heryl Bruno.

First time yan na chop-chop na parte ng tao… first time dito sa Malolos na ganyan na sa basurahan pa, along the highway,” dagdag pa nito.

Paniwala ng mga awtoridad na ang dalawang kanang binti ay mula sa mga babae at maaaring nasa dumpsite na ng tatlo hanggang apat na araw bago ito natagpuan.

Patuloy pang pinaghahahanap ang iba pang bahagi ng katawan sa lugar.

Ayon sa ulat ng GMA, tinitignan din ng mga awtoridad ang posibilidad na ang mga biktima ay hindi residente  ng lugar.

Ang mga awtoridad ay nagsagawa na ng autopsy at DNA tests sa mga natagpuang binti na kinalaunan’y dinala na rin sa isang funeral parlor sa Plaridel, Bulacan.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito ng Saksi: