Danica Sotto sa Kanilang 10th Year Wedding Anniversary ni Marc Pingris: “Overwhelmed with Joy”

Imahe mula sa Instagram ni Danica SottoImahe mula sa Instagram ni Danica Sotto

Love is patient. Ganito mailalarawan ang isang dekada ng pagmamahalan ng mag-asawang Marc Pingris at Danica Sotto.

Masayang nagdiwang ng kanilang 10th year wedding anniversary sina Actress-entrepreneur  Danica Sotto at PBA Star Marc Pingris; ayon sa ulat ng Inquirer.

Ayon kay Danica Sotto, siya ay: “overwhelmed with joy.”

Nitong Biyernes, ibinahagi nina Sotto at ng PBA energetic power forward ang kanilang romantic tribute sa pagdiriwang ng isang dekada ng kanilang pagiging mag-asawa sa Instagram.

Nakasaad sa caption ng larawan ni Danica na kasama ang kaniyang mister:  “I’m overwhelmed with joy because of God’s faithfulness. I know I do not deserve anything that I have right now but God is still good dahil binigay ka niya sa akin (He gave you to me).”

Gayundin si Marc na labis na nagpapasalamat sa kaniyang butihing maybahay dahil sa pagiging matiyaga sa pagharap sa mga problema at mga naging hamon sa kanilang pagsasama:   “First of all, I just want to say congratulations sa ating dalawa (to the two of us). Lalo sa ‘yo, dahil natiis mo ko ng 10 years (you endured me for 10 years),” ani Marc.

Dagdag pa nito: “For the past 10 years I know that what we went through was not easy. Hindi talaga naging madali (It wasn’t that easy). We had our ups and downs, but we managed to make it, mainly because our God is the center of our relationship.”