Dating nakaalitan? Estudyante, Sinaksak ng Schoolmate sa Gate ng Paaralan

Public domainPublic domain

Ang taong nagtatanim ng galit sa kapwa, kailanman ay hindi magiging masaya.

Isang 14-anyos na mag-aaral ang sinaksak matapos abangan ng nakaalitang schoolmate sa labas mismo ng gate ng paaralang kanilang pinapasukan, noong Miyerkules sa Tondo, Maynila.

Ang biktima ay kinilalang si Arnold, mag-aaral ng Felipe G. Calderon Integrated High School sa Hermosa St. Tondo, Maynila.

Dinala ang biktima sa Ospital ng Maynila (OSMA) na ayon sa ulat ng Abante ay may maselang kalagayan.

Ang suspek naman ay kinilalang si Vincent, 16, mag-aaral din ng naturang paaralan   at residente ng Limay St., Tondo.

Dakong ika-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa exit gate ng FG Calderon Integrated High School, ayon sa Manila Police District (MPD)- Police Station 7.

Sa salaysay ng mga awtoridad, nasa loob ng paaralan ang biktima  at naghihintay naman sa gate ng paaralan ang nakaabang na suspek na diumano’y dati niyang nakaalitan.

Paglabas ni Arnold ng gate, dito na siya sinalubong ng saksak ni Vincent.

Agad na sumugod sa paaralan ang ina at itinakbo sa ospital  ang kanyang anak nang malaman nito ang insidente.

Si Vincent ay sinampahan na rin ng reklamo sa MPD-Women and Children Protection Section (MPD-WCPS) para sa tamang disposisyon para sa menor de edad ang suspek.

Source :

Abante