De Lima, tinawag ni Speaker Alvarez na No. 1 drug lord sa buong Pilipinas

Image capture of video by ABS-CBNImage capture of video by ABS-CBN

Ang numero unong drug lord sa Pilipinas ay nakakulong na, sabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez. At iyon raw si Senadora Leila De Lima.

Ayon sa InterAksyon, binanggit ni Alvarez sa isang pulong balitaan sa Malacañang noong Lunes, ika-13 ng Marso, ang pangalan ng senadora bilang patunay umano na hindi lang pawang “maliliit na isda” ang nahuhuli sa war on drugs ng pamahalaan.

Huwag po tayong maniniwala na hanggang ngayon ay ‘yung mga maliliit lang po ang biktima dito sa ginagawa nating war on drugs. In fact po, nakakulong na po ang number one, public enemy number one –   ‘yung number one drug lord sa buong Pilipinas – ay nakakulong na po, ito ay ‘yung dating Senadora natin na si Leila De Lima,” ani Alvarez.

Sinabihan rin ni Alvarez si De Lima na tigilan na ang pagpapapansin na politikal na pag-uusig ang ginagawa sa kanya dahil sa pagiging masugid na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Meron po siyang na-commit na crime, which is involving illegal drugs. Iyan po ay krimen — malinaw po ‘yan na krimen at malinaw po na isa siyang kriminal,dagdag pa ni Alvarez na ang tinutukoy ay ang alegasyon na pakikipagsabwatan niya sa mga convicted drug lords sa kalakalan ng illegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

 

Loading...