De Lima, umaasang palalayain ng Korte Suprema

File PhotoFile Photo
Image from De Lima's Facebook page

Image from De Lima’s Facebook page

MAYNILA, Pilipinas – Umaasa si Senadora Leila De Lima na palalayain siya ng Korte Suprema kung saan nakabinbin ang kaniyang mosyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng pagkakaaresto sa kaniya noong nakaraang buwan.

Sa isang handwritten note na ibinahagi ng mambabatas sa kaniyang Facebook account nitong Lunes, na malaking pagkakamali ang pagpapakulong sa kaniya ng kasalukuyang administrasyon.

“Gusto lang naman ako nilang patahimikin,” ayon kay De Lima.

Pinabulaanan din ng nakakulong na senador ang mga paratang sa kaniya na siya ay ‘corrupt’ at isang drug lord.

“Inosente po ako. Hindi po ako drug lord o drug trade queen. Hindi po ako corrupt. Hindi po ako mamamatay tao,” giit ni De Lima.

“At habang patuloy ang mga patayan at kasinungalingan, hindi ko po kayang manahimik lamang,” dagdag pa nito.

Nagsimula nang dinggin ng Korte Suprema ang ‘oral arguments’ ng kampo ni De Lima at ng Office of the Solicitor General na pinangungunahan ni Solgen Jose Calida Jr.

Si De Lima ay nakatakdang ipagtanggol ng ilang bigating abugado sa bansa na kinabibilangan nina dating SolGen Florin Hilbay, La Salle College of Law dean Jose Manuel “Chel” Diokno (FLAG), Atty.  Alexander Padilla (FLAG) at mga dating senador Wigberto Tañada at Rene Saguisag.

Loading...