Death Penalty, Aprub na sa Kamara sa Second Reading

Image from Change.org

Lusot na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4727 o panukalang pagbuhay sa parusang kamatayan.

Bagama’t Ash Wednesday na inoobserba ng mga Katoliko, hindi napigilang umusad ng naturang kontrobersiyal na panukala; ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Ang death penalty bill ay naipasa ng Kamara sa pamamagitan ng Viva Voce voting.

Tinapos muna ang period of individual amendments bago sinimulan ang botohan. Ngunit ni isang amiyenda na iginiit sa plenaryo ay pawang natalo lamang sa botohan.

Ang pagtatakda ng sunset provision sa death penalty bill ay kabilang sa amiyenda ni Kabayan Rep. Harry Roque.

Batay sa inaprubahan na substitute bill, limitado lamang ang parusang kamatayan sa mga drug-related na mga kaso.

Ang panukalang batas na ito ay magpapatupad ng parusa sa pitong drug-related crimes kabilang ang:

  • importation of dangerous drugs;
  • sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution and/or transportation;
  • maintenance of a den, dive or resort for drug activities;
  • manufacturing of dangerous drugs;
  • cultivation or culture of plants classified as dangerous drugs, or are sources thereof;
  • unlawful prescription of dangerous drugs; at
  • criminal liability of a public officer or employee for misappropriation, misapplication, or failure to account for confiscated, seized, or surrendered dangerous drugs.

Hukom na ang magdedesisyon kung ang death penalty bill ay idadaan sa pamamagitan ng bitay, lethal injection, o firing squad.

Ang ikatlo at huling pagbasa sa naturang panukala ay nakatakda sa darating na ika-8 ng Marso.