Dela Rosa sa Pagpasok ng Kaniyang Anak sa PNPA: “Kinakabahan ako”

Mga imahe mula sa file photo at Instagram ni Rock Dela RosaMga imahe mula sa file photo at Instagram ni Rock Dela Rosa

Magkahalong tuwa at excitement ang nararamdaman ni Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” dela Rosa sa pagpasok ng kaniyang anak sa Philippine National Police Academy na nakatakdang sundan ang kaniyang mga yapak.

Ayon sa ulat ng GMA, aminadong proud ngunit kinakabahan si Dela Rosa sa kaniyang anak na si Rock Dela Rosa sa pagpasok  sa PNPA.

Kinakabahan ako kung kakayanin ba niya. I wish him good luck. Proud ako pero bilang ama kinakabahan din,” ayon kay Dela Rosa.

Kumpiyansa umano si Dela Rosa na makakaya nito ang mga physical test ngunit ang psychological tests ay magkaibang bagay na.

Physically alam ko kayang-kaya niya. Malakas ‘yun eh. Pero ‘yung psychological, I don’t know. Iba siya, iba ako,” saad ni Dela Rosa.

Ako anak ng tricycle driver kaya no retreat, no surrender ako. Papasok ako doon kahit na babagsakan mo ako ng shot put sa tiyan, hindi ako uuwi ng Davao,” dagdag pa nito.  “Pero siya anak siya ng chief PNP kaya iba na rin ‘yung psychological kwan niya. Medyo apprehensive lang ako.”

Para naman kay Dela Rosa, malaya ang anak niyang si Rock sa anumang gusto niya sa buhay.

Anyway, pabayaan ko siya kung ano gusto niya sa buhay. Sabi ko  sa kanya desisyon mo ‘yan, huwag kang padalos-dalos. Kung desidido ka, go ahead, kung alanganin ka huwag mong ituloy,” ani Dela Rosa.

Ngunit ayon kay Dela Rosa, determinado ang kaniyang anak na makapasok sa PNPA.

Si Rock Dela Rosa ay isa sa  1,219 aplikanteng  pumasa sa  PNP Cadet Admission Test noong  Oktubre  30. Kumuha siya ng pagsusulit sa University of Mindanao, isa sa 28 testing centers.

Ang lahat ng pumasa sa PNPCAT ay sasailalim sa neuropsychiatric test, panel interview, medical at drug tests bago sila tanggapin sa academy.

Playing w/ daddy and ninong #happy #unleashedviper ❤️😊 #ba2 #du30

A post shared by Rock Dela Rosa (@rockdelarosa22) on

 

Source :

GMA, Inquirer, ABS CBN