DepEd: 15-Anyos Maaari nang Mag-summer Job

DepEd

Magandang balita para sa mga estudyante!

Ibinaba ng Department of Education (DepEd) ang minimum age requirement sa 15-taong gulang mula sa 18-taong gulang na mga estudyante na nais  mag-summer job ngayong bakasyon.

Ayon kay  Dr. Juan Araojo, officer-in-charge ng Youth Formation Division, pinahihintulutan na ang mga 15-anyos pataas na lumahok  sa Special Program for the Employment of Students ngayong taon.

This is to accommodate those students who are in Senior High School,” dagdag pa ni Araojo.

Magugunita na noong nakaraang taon ay 18-anyos pataas lamang ang mga estudyanteng pinahihintulutang makilahok sa summer job.

Bibigyan ng trabaho sa loob ng 40 araw ang mga SPES trainee. Magsisimula ang pagtanggap ng mga aplikante hanggang sa Marso 27; ayon sa ulat ng DepEd.

Sa mga interesadong lumahok sa programa, ang mga kwalipikasyon ay  ang mga sumusunod: 1) estudyante/out-of-school youth (OSY) at least 15-anyos ngunit hindi lalagpas sa 24-anyos; 2) kailangan ay naka-enroll sa kasalukuyan at ang aplikante may intensyon na magpatuloy sa pag-aaral (sa OSY); 3) Ang kita ng mga magulang ay hindi dapat lumagpas sa P143,000 kada taon, pasado ngayong school year ; 4) may passing grade sa nakaraang school year/ term na pinasukan; at 5) may taglay na office skills tulad ng pagiging computer literate.

Ang mga aplikante ay kailangang magsumite ng mga sumusunod: 1) SPES application form; 2) birth certificate (NSO); 3) sipi ng Income Tax Return (ITR) ng magulang o Certificate of Indigence/Certificate of Low Income mula sa barangay.

Sa mga interesadong aplikante isumite ang aplikasyon at requirement sa Office of the Youth Formation Division, 3rd Floor, Mabini Building, DepEd Central Office, Meralco Ave., Pasig City.

 Maaari ding  ipa-scan ang mga dokumento at i-email sa [email protected].

 

Source :

DepEd, Bandera