DepEd,  Tiniyak ang Kahandaan sa Grade 11 at 12

Imahe mula sa video ng GMA via You Tube

Mahigit na 4,000 grade 10 students mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa Maynila ang lumahok sa ginanap na 2-day  Senior High School Fair sa Antonio A. Maceda Integrated School, Sta. Mesa Manila.

Napayuhan ang mga estudyante sa iba’t ibang track ng Senior High School at may mga booth pa ang mga paaralan na puwede nilang pasukan. Karamihan nga lang sa mga booth ay mula sa mga pribadong paaralan.

Ayon sa Department of Education, handa na ang mga pampublikong paaralan para sa grade 11 at 12. May 22,500 voucher pa mula sa DepEd ngunit may mga dagdag singil o top up sa mga pribadong paaralan mula P10,000 hanggang P20,000; depende pa sa paaralan at ibang singil pa sa uniform at instructional materials.

Ayon sa ulat ng GMA, magpapatuloy pa rin ang voucher system sa mga nais mag-aral sa private school.

Ayon kay Asec Tonisito Umali ng Dep Ed: “Ang pag-aaral sa pribadong paaralan ay option lang na ibibigay natin at kung hindi talaga kakayanin ang mandato na ibinigay sa atin ng Saligang Batas ay makapagpatupad tayo ng isang sistemang libreng pampublikong edukasyon.”

Ngunit para sa ilan ay kalbaryo pa rin ang dagdag na dalawang taon sa high school.

Sakto lang ‘yung sinasahod ng  kuya at ate ko. Bayad bahay, kuryente tapos dadagdag pa ba ko? Sasabihin ko sa mama ko: Ma, may project kami. Iisipin ng mama ko, saan na naman siya kukuha ng panggastos?” ayon kay Angelica Bayani ng Maceda High School.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

 

Source :

You Tube, GMA