‘Dilemma’ ng pamilya: Ina ni De Lima, walang alam sa nangyayari sa kanya

Imahe mula sa FacebookImahe mula sa Facebook

Hanggang sa mga sandaling ito, wala pa rin umanong alam ang ina ni Senator Leila de Lima sa mga nangyayari sa kanya — bagay na dumaragdag pa raw sa sakit na nararamdaman ng pamilya.

Ayon sa Abante, ang alam lamang ngayon ng ina ng senadora ay nasa ibang bansa ang kanyang anak na mambabatas.

My 84-year-old mother has no inkling as to my current situation. What my brothers and sister have told her is that I’m abroad for an official business,” ani De Lima.

[Hindi alam ng 84-anyos kong ina ang tungkol sa sitwasyon ko ngayon. Ang sinabi ng mga kapatid ko sa kanya ay nasa ibang bansa ako para sa isang official business trip.]

Wika ng senadora, napapaisip siya sa kasalukuyan kung dapat na bang malaman ngayon ng kanyang ina ang tungkol sa tunay niyang kalagayan dahil masyado nang matagal ang lumipas na panahon.

“But knowing the truth about what was done to me by this vengeful President and his ilk will surely cause her misery and grief — an unnecessary pain. This is a real dilemma for our family,” aniya.

[Ngunit alam ko na ang katotohanan sa likod ng paghihiganting ito sa akin ng presidente at ng mga kasama niya ay tiyak na magdudulot ng labis na kalungkutan sa aking ina — isang sakit na hindi naman niya dapat maramdaman. Tunay na isa itong dagok sa aming pamilya.]

Drug cases

Ang kinasasangkutan ni De Lima ay drug cases na may kaugnayan sa illegal drug trade na naganap umano sa loob ng New Bilibib Prison noong nasa posisyon pa ang mambabatas bilang kalihim ng Department of Justice.

Ang kanyang mga naging kaso ay non-baillable. Ito ay nag-ugat sa mga testimonya ng ilang high profile inmates sa bilibid na nagpatunay umano na ang senadora ay tumanggap ng pera mula sa mga sindikato ng droga.