DOLE, Pormal nang Ipinag-utos ang Pagwawakas ng ‘Endo’

Image capture of video by GMA News via You Tube channelImage capture of video by GMA News via You Tube channel

Pormal nang ipinag-utos ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang pagbabawal ng  ‘endo’  o kontraktwalisasyon sa bansa  kaugnay sa mga employers nitong Huwebes.

Ayon sa ulat ng GMA, sa ilalim ng Department Order 174, Series of 2017, inutos ni Bello ang pagbabawal  sa pag-uulit ng pagtanggap sa mga manggagawa bilang contractors na may employment contract  sa maikling panahon na may mandato ng 6 na buwan upang maging regular na empleyado.

Ito ‘yung endo – hire ka for five months. After another five months, hire ka ulit through a contractor,” ayon kay Bello.

We have a commitment from management na wala na ito. Pero, alam mo, we still have to be very careful, kasi ang dami pa rin naming nalalaman na endo,” dagdag pa nito.

Ayon kay Bello, babawiin nito ang nauna nang inilabas na department order na umani ng batikos mula sa mga manggagawa dahil hindi ito tumutugon sa naunang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan na wawakasan nito ang endo at inatasan din ang dapartamento na i-review ang Department Order 18-A series of 2011.

Binalaan din ni Duterte ang mga employers na sundin ang batas tungkol dito kahit walang audit mula Labor Department at sa mga hindi makasusunod ay ipasasara ito ng Pangulo.

Source :

GMA, Abante

Loading...