Duterte, Interesadong Matutunan ang Responsableng Pagmimina ng Australia

Image from Presidential Photographers Division

Interesado si Pangulong Rodrigo Duterte na matuto ng responsableng pagmimina mula sa Australia; ito ay ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Nagkaroon ng mainit at magiliw na pagpupulong sina Duterte at Australian Foreign Minister Julie Bishop sa presidential guest house. Ayon kay Bishop,  sila ay: “Willing to cooperate in building capacities” para sa responsableng paggamit ng  mineral at energy resources.

Samantala nangako ng $40 million ang Australian government upang magbigay ng tulong sa mga napinsalang lugar sa Mindanao.

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang naturang tulong pinansiyal ay mapupunta sa mga proyekto tulad ng pagpapabuti ng water facilities.

Binigyang-diin sa kanilang pagpupulong ang pag-address sa banta ng terorismo kabilang ang piracy at karagatan. Ito ay upang tiyakin na ang maritime areas ay ligtas at payagan sa malayang paglalayag at overflight.

Both underscored that terrorism and violent extremism are serious threats, with both expressing readiness to identify areas of collaboration,” ani Abella.

Nagpahayag din ng suporta ang Australia sa Pilipinas bilang 2017 chair of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay Abella, sinabi ng Pangulo na: “Do its utmost for a strengthened Asean and a region that’s peaceful, progressive and prosperous.

It sets the tone for a more positive engagement between the two countries as strategic partners,” saad ni Abella.

Source :

Inquirer, GMA, Rappler