Duterte, nais na maging instrumento ng pagbabago ang mga Pinay

Imahe mula sa Duterte Today FB page.

Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging instrumento ng pagbabago ang mga Pilipina. Dahil dito, nangako siya na patuloy niyang susuportahan ang pagsusulong ng gender equality.

Ayon sa Bombo Radyo, sinabi ni Duterte na batid niyang mapalad ang Pilipinas dahil maraming kababaihang Pilipino ang kilala sa iba’t-ibang sektor ng lipunan. Ipinagmalaki niya rin na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Asya-Pasipiko na mataas ang ranking sa usapin ng gender equality.

“My administration shall strive to maintain this distinction as well as to continue to recognize their invaluable contributions in sports, science, governance, education, public service at arts,” aniya.

[Dapat gawin ng aking administrasyon ang lahat para manatili ang ganitong distinction at patuloy na makilala ang mga kababaihan sa ating bansa dahil sa walang kaparis nilang kontribusyon sa larangan ng palakasan, agham, governance, edukasyon, serbisyong pampubliko, at sining.]

Nais daw niya na maging instrumento ng pagbabago ang mga kababaihan sa iba’t-ibang larangan kung kaya’t ipinangako niya na patuloy niyang isusulong ang pagpapalakas ng gender equality sa bansa.

Binigyang-diin niya na malawak ang ginagampanang papel ng kababaihan sa buong mundo sapagkat sila ang gumaganap bilang ina, intelektuwal, educators, caregivers, sundalo, aktibista, artist at leaders.

Panoorin ulat tungkol sa sinabi ni Duterte tungkol sa kahalagahan ng mga kababaihan sa bansa: