Duterte pinag-iisipang italaga si Arroyo sa Cha-cha commission

Image from DFN FilesImage from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas – Bagama’t walang planong i-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kaniyang Gabinete, bukas naman umano siya sa posibilidad na italaga ang huli sa Consultation Committee na magrerepaso sa 1987 Consitution.

Ayon kay Duterte malayong tanggapin ni Arroyo ang isang posisyon para magtrabaho sa kaniya lalo pa’t nanungkulan na ito bilang pinakamataas na lider ng bansa.

“No. I don’t think she will accept it. She cannot be working under a President when she was already a president. That will be quite a tall order for her to do that. But representing the people of the district of her own province would be somehow acceptable to even everybody,” paliwanag ng Pangulo sa isang panayam ng mga mamamahayag sa Myanmar Linggo ng gabi.

Subalit posible niya umanong italaga si Arroyo na mamuno sa komite (Charter Change Commission) na bubuuin ng 25 katao para balikan at repasuhin ang kasalukuyang Saligang Batas, bagama’t hindi niya rin masasabi kung tatanggapin ito ng dating presidente.

“Maybe, maybe. Maybe pero baka ayaw din niya. But maybe,” dagdag pa ni Duterte.

Si Arroyo ay natanggal sa puwesto bilang Deputy Speaker for Luzon matapos ang kontrobersiyal na botohan sa death penalty bill sa Mababang Kapulungan.

Nauna nang kumalat ang usap-usapan na balak din umano ni Arroyo na pamunuan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapalit ng pababa sa puwesto na si Amado Tetanco, subalit wala pang kumpirmasyon sa kampo ng kasalukuyang kinatawan ng Pampanga.

Loading...