Emeralds na nakuha sa isang barko na lumubog noong 1622, isusubasta

Image capture of video by Newsy Image capture of video by Newsy

Isang koleksyon ng mga napakagandang mga esmeralda ang nakatakdang isubasta ng Guernsey’s auction house sa New York sa Estados Unidos sa ika-25 ng Abril.

Ang Marcial de Gomar emerald collections na kinabibilangan ng 20 loose emeralds at 13 piraso ng emerald jewely ay iinaasahang hahakot ng milyon-milyong dolyares sa araw ng subastahan.

Kasama sa koleksyon ni Marcial de Gomar, isang eksperto sa mga Esmeralda, ang siyam na piraso ng  mga Esmeralda na nakuha sa isang barko – ang  Nuestra Señora de Atocha – na lumubog sa karagatan ng Florida noong 1622. Tinawag ang mga iyon na “The Nine Pillars of Andes.”

Ayon sa Telegraph, si Mel Fisher, isang pamosong treasure hunter, ang nakadiskubre ng mga Esmeralda sa lumubog na barko noong 1985. Si Marcial de Gomar ang napili niyang magsagawa ng appraisal sa lahat ng mga esmeraldang nakuha niya sa shipwreck.

 

Loading...