Erap: Masuwerte ang bansa kay Pangulong Duterte na handang itaya ang buhay laban sa ilegal na droga

Image from Philnews

Nanawagan  sa publiko ang dating pangulo na ngayon ay alkalde ng Maynila na si Mayor Joseph “Erap” Estrada na suportahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng impeachment complaint na inihain laban sa kanya.

Ayon sa ulat ng Politiko, sinabi umano ng alkalde ng Maynila na masuwerte ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng presidenteng tulad ni Duterte na may paninindigan at handang ilagay sa panganib ang buhay lalo na sa laban kontra sa ilegal na droga.

“Ito namang mga ito, impeachment-impeachment…We cannot move on, pulitika agad. Wala pang one year si President Duterte,” sabi ni Erap bilang parunggit sa naghain ng reklamo.

Ani Estrada, ginawa na noon sa kanya ang impeachment at ngayon ay ginagawa na naman kay Pangulong Duterte.

“Baka magsisi na naman sila,”  wika ni Erap na inalala pa ang panahon na nagbigay sa kanya ng public apology ang mga lider ng Simbahan at si dating Pangulong Cory Aquino sa pagsuporta sa pagpapatalsik sa kanya noon.