Ex-INC minister Angel Manalo, kapatid, hindi pinayagang magpiyansa

Mga imahe mula sa YouTube

Matapos mahuli sa salang illegal possesion of firearms, hindi umano pinayagan na makapagpiyansa ang magkapatid na Manalo.

Ayon sa Bombo Radyo, hindi pinayagang magpiyansa ng Quezon City Prosecutors Office ang dating ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) na si Felix Nathaniel ‘Ka Angel’ Manalo at ang kapatid nito na si  Executive Minister Victor Erano ‘Jem’ Manalo; na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms.

Naaresto ang magkapatid na Manalo matapos ang sumbong kay Quezon City Police District Director Guillermo Eleazar na may nagaganap na pagpapaputok ng baril sa compound ng INC.

Nagawa pa umanong makipagbarilan ng mga ito sa mga rumespondeng pulis.

Samantala, kinasuhan din sa opisina ni QC Assistant City Prosecutor Nilo Penaflor ang kasamahan ng mga ito na si Jonathan Ledesma. Hindi rin pinayagan ng Quezon City Prosecutors Office na makapagpiyansa si Ledesma.

Panoorin ang video ng pagpepresinta sa mga illegal firearms at ammunition na natagpuan sa bahay ni Angel Manalo:

https://www.youtube.com/watch?v=VuVbUqBKM2g