Ex-lover ni Princess Diana, itinangging siya ang ama ni Prince Harry

Image from StarpulseImage from Starpulse

Matagal na ang usap-usapan na ang tunay na ama umano ni Prince Harry ay hindi si Prince Charles kundi ang ex-lover ni Princess Diana na si James Hewitt dahil sa malaking pagkakahawig nilang dalawa.

Noong Linggo, ika-12 ng Marso, sa wakas ay nagbigay na ng pahayag si Hewitt tungkol sa nasabing usap-usapan. Itinanggi niya na siya ang ama ng prinsipe.

“No, I’m not,” ang mahinahong sagot ni Hewitt sa tanong sa kanya ni Sunday Night host Melissa Doyle kung siya nga ba ang tunay na ama ni Prince Harry.

Ayon sa Evening Standard, sinagot ni Hewitt ang tanong ni Doyle kung bakit paulit-ulit ang usap-usapan ay sa dahilang malakas umano iyong bumenta sa mga pahayagan.

Si Princess Diana at Hewitt ay nagkaroon ng relasyon noong panahon na kumakalat ang balita na si Prince Charles ay may relasyon kay Camilla Parker-Bowles – na naging ikalawang asawa ni Charles.

1992 nang magkahiwalay sina Prince Charlesa at Princess Diana. Noong 1995 ay inamin ni Princess Diana ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Hewitt.

 

Loading...