Ex-president Noynoy Aquino, tumanggap daw ng P90 milyon mula kay Janet Napoles?

Image from Enchos Image from Enchos

Ibinunyag ni Pastor Saycon, lider ng Council for Philippine Affairs, na tumanggap umano si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ng halagang P90 milyon bilang campaign contribution mula kay Janet Napoles; ang tinaguriang mastermind ng Priority Development Assistance Fund scam.

Sinabi ni Saycon sa Radyo Inquirer na wala naman umanong masama na tumanggap ng campaign contributions, pero ang problema raw ay ang hindi pagdedeklara ni Aquino ng kontribusyon sa Statement of Contributions and Expenditure (SOCE) sa Commission on Elections.

Maliban kay Aquino, may sampu pa raw na mambabatas ang tumanggap ng campaign contribution mula kay Napoles. Binanggit ni Saycon na isa si Senador Antonio Trillanes IV na tumanggap ng kontribusyon na hindi idineklara sa SOCE.

Ang pahayag ni Saycon ay ilan lamang raw sa mga nakasaad sa mga dokumentong isinumite niya kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre na nagdedetalye umano sa pagkakasangkot sa katiwalian ni Aquino at iba pang kaalyadong mambabatas.