Football player ‘nadulas’ sa isang panayam, sabay na binati ang misis at GF

Image capture from Super Sport video via You TubeImage capture from Super Sport video via You Tube

MAYNILA, Pilipinas – Napilitang magpaliwanag ngayon ang isang football player sa Ghana matapos itong ‘madulas’ sa isang panayam at sabay na batiin ang kaniyang misis at kasintahan.

Kakapanalo pa lamang sa isang laro sa Premier Soccer League ni Mohammed Anas ng South Africa’s Free State Stars nang paunlakan nito ang isang panayam ng SuperSport channel. Si Anas ay umiskor sa naturang game na nagpanalo sa kanilang koponan nitong Biyernes kung saan ay itinanghal siya bilang ‘man of the match‘.

Sa nasabing panayam, pinasalamatan niya ang kaniyang mga mahal sa buhay, kasama na ang kaniyang asawa. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nabanggit niya rin nang hindi sinasadya ang kaniyang ‘girlfriend’.

“I appreciate my fans, also my wife and my girlfriend, I mean my wife,” ani Anas, na napatawa rin sa kaniyang mga sinabi.

“Sorry to say, I’m so sorry, my wife… I love you so much!” biglang bawi pa ng manlalaro.

Umani ng samu’t-saring reaksiyon ang video ng interview ni Anas matapos itong kumalat sa social media.

Subalit sa isang panayam ng BBC, itinanggi ng player na mayroon siyang kasintahan at ang tinutukoy niya  raw talaga ay ang kaniyang sariling anak.

“My family knows that I call my daughter my girlfriend. That’s what I was talking about. I don’t have a girlfriend,” paliwanag ni Anas.

Hindi raw niya inaasahan ang biglang pagsikat sa buong mundo dahil sa naturang ‘pagkakamali’ sa interview.

Iginiit din ni Anas na hindi niya niloko ang kaniyang asawa sa loob ng pitong taon, at sa katunayan ay mahal na mahal niya ito.

“I love her so much. She’s given me two beautiful children. She is fine. She knows what kind of man I am so I am not worried,” dagdag pa nia Anas.

Panoorin ang panayam sa kaniya: