Gina Lopez, 3 Pang Miyembro ng  Gabineteng na-bypass ng CA, Muling Itatalaga ni Pangulong Duterte

Public domainPublic domain

Tiniyak ng Palasyo na muling itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Environment Secretary Gina Lopez at 3 pang miyembro ng Gabinete na na-bypass sa pamamagitan ng Commission on Appointments (CA).

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ng Malacañang na nais nitong panatilihin sina Lopez, Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo, at Health Secretary Paulyn Ubial sa kani-kanilang posisyon matapos mabigong aprubahan ng CA ang kanilang appointment.

The President’s trust and confidence in the Cabinet secretaries bypassed remain undiminished,” ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

[Ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa Gabineteng na-bypass ay nananatiling malaki.]

We expect that they will be reappointed to continue serving their posts,” dagdag pa nito.

[Inaasahan naming  sila’y muling maitatalaga at magpapatuloy na magsilbi sa kani-kanilang post.]

Samantala kinumpirma naman ng CA ang appointment ni Department of Education Secretary Leonor Briones.

Ang Congress ay magkakaroon ng 2-buwang pahinga simula Marso 17.

Source :

GMA, ABS CBN