Ginang, nahuling nagsha-shabu sa harap ng mga anak

Image from Cebu Provincial Police Office

Isang ginang na naaktuhang nagdodroga sa harap ng kanyang mga anak ang inaresto ng mga awtoridad sa Caloocan City.

Ayon sa ulat ng GMA, ang ginang na hindi pinangalanan upang maproteksyunan ang kanyang mga anak ay nahuling nagdodroga kasama ang ilan pang kamag-anak.

“Habang gumagamit sila, nandoon ‘yung mga bata so ang epekto n’on sa bata, medyo ‘di natin alam,” sabi ni Senior Inspector Leo Tomas, hepe ng Northern Police District Drug Enforcement Unit.

Kinilala ni Tomas ang iba pang mga suspek na sina Irish Enguio, Rowena Chu, isang nagngangalang Melvin, at Gilbert Tandog alias Mik-Mik.

“Naabutan nga namin ‘tong si alyas Mik Mik na may kaabutan tapos nagtakbuhan, umakyat sa may hagdanan so ang ginawa ng tropa, hinabol.. pagbukas ng pintuan nadatnan namin ‘yung dalawang babae saka isang lalaki na kasalukuyang nagpo-pot session,” sabi ng opisyal.

Aminado naman si Mik-Mik na siya nga ang tulak ng droga, pero aniya ay dalawang buwan pa lamang niya iyong ginagawa.

Source :

GMA Network