Holdaper, Kinuyog Matapos Pagsasaksakin ang Isang Taxi Driver sa Sta. Mesa

Imahe mula sa video ng ABS CBNImahe mula sa video ng ABS CBN

Duguan at puno ng sugat ang mukha ni Arnel Lubaton matapos siyang kuyugin ng taumbayan Sabado ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, suspek si Lobaton sa panghoholdap at pananaksak sa taxi driver na si Rolando Santos.

Tinutukan ko lang ‘yung taxi driver, dahil sinisingil ako sa bahay, tubig at kuryente,” ayon kay Lobaton.

Sa CCTV footage ay mapapanood ang pagdating taxing sinasakyan ni Lobaton sa Sociego St. pasado 10:00 ng gabi.

Sa loob ng taxi ay pinagsasasaksak na umano ni Lobaton ang driver bago pa man ito nagdeklara ng holdap.

Nakita ng ilang mga tricycle driver ang komosyon kaya lumapit sila sa taxi.

Maya-maya pa’y lumabas ang suspek at muling sinaksak si Santos bago tuluyang tumakas.

Sa isa pang anggulo ng CCTV footage, makikitang pinagbubugbog na ang holdaper nang ito’y kanilang abutan.

Nagtamo naman ng saksak sa  leeg, dibdib at braso ang taxi driver.

“Magtrabaho sila nang marangal, ‘yung pagpapawisan nila, papakain nila sa pamilya nila, hindi ‘yung galing sa masama,” ayon kay Santos.

Desidido naman si Santos na kasuhan ang suspek.

Panoorin ang video na ito ng ABS CBN: