Internet  Sensation na si Balang, Lumipad Patungong LA para sa kaniyang 4th Appearance sa ‘Ellen’ Show

Imahe mula sa video ng "Shape of You" dance video via Facebook page ni Balang

Sa taglay na husay at galing ng mga Filipino, walang hindi makapapansin; mapalokal man o internasyonal.

Hindi lamang unang beses kung hindi ikaapat na beses nang magiging panauhin ang kababayan nating internet sensation na si Balang na talaga namang nakatawag pansin sa maraming netizens.

Isang linggo matapos ang i-post ang “Shape of You” dance video na may mahigit nang 34 million views sa Facebook, hindi ito pinalampas  ng isa sa kanyang mga tagahanga na si American talk show host Ellen Degeneres.

Ayon sa ulat ng GMA, si Balang ay lumipad patungong Los Angeles nitong Sabado para sa kaniyang ikaapat na appearance sa show ni Ellen.

Si Balang, o John Phillip Bughaw sa totoong buhay, ay nag-viral dahil sa kaniyang mga kahanga-hangang dance moves at nagkaroon na rin ng mga TV guestings sa mga international TV shows.

Kamakailan ay nag-guest si Balang sa UK show na  “Little Big Shots.”

See you LA! ❤ #Balang #LOSANGELES

A post shared by BALANG (@johnphillipbalang) on