Isang food truck sa Italy naghahain ng mga pagkaing tunay na lutong Pinoy

Image capture of video by ABS-CBN Image capture of video by ABS-CBN

Sa Milan, Italy, karaniwang nagpupunta ang mga ordinaryong obrero na naghahanap ng murang pagkain sa mga pizzeria at sandwich bars, pero ang eksena sa mga kainan doon ay nagbago nitong mga nagdaang taon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, ngayon ay uso na rin sa Milan ang food trucks at isa sa kanila ay tunay na lutong Pinoy ang mga pagkaing iniaalok.

Dahil sa mahal at mahirap humanap ng tamang lokasyon, isinantabi ni Jennifer Tabangay ang pangarap niyang magtayo ng isang restaurant. Sa halip ay naisip niyang magkaroon ng food truck; isang mobile restaurant na maaari niyang dalhin sa iba’t ibang lugar kung saan maraming parukyano.

Sa ngayon ay nakaparada ang kulay Pink na food truck ni Jennifer sa harap ng Philippine Consulate General sa Milan kung saan maraming Pinoy at Italyanong customers.

Ilang dekada na ring walang Pinoy dishes sa mga kainan sa Milan kaya ipinakilala ni Tabangay ang Filipino homestyle cooking sa kanyang menu.

Tarang sumilip sa Filipino meals on wheels sa videong ito ng ABS CBN:

Loading...