Isang Senior Citizen Taxi Driver, Nagsauli ng Pitakang Naglalaman ng P16,000

Larawan mula sa Twitter account ni Bam AlegreLarawan mula sa Twitter account ni Bam Alegre

Ang katapatan ang pinakamainam na panuntunan sa lahat.

Isang matapat na taxi driver ang nagtungo sa GMA News upang isauli ang isang pitakang naglalaman ng P16,000 matapos maiwan ng isa niyang pasahero sa loob ng sasakyan.

Si Armando Tolilic, 60, driver ng naturang taxi ay nagbaba ng isang lalaking pasahero nitong Sabado ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 at aksidenteng naiwan nito ang pitaka sa loob ng kanyang minamanehong taxi; ayon sa ulat ng GMA.

Si Tolilic ay agad humgingi ng tulong sa GMA News sa pag-asang maibalik ang pitaka sa may-ari.

Tinignan ng security office ng GMA ang pitaka at nakita ang P16,000 at ilang mga identification cards.

Unang pasahero ko po ‘yun eh, galing po ako ng garahe. Kakapalit lang namin ng ka-partner ko, madaling araw po yun, kaya hindi puwedeng sa ibang pasahero po ‘yun,” ayon kay Tolilic.

Ayon kay Tolilic, nais niyang matuto ang iba mula sa naturang insidente.

Kung hindi naman sa kanila eh kailangan pong i-surrender ‘yun, kasi mabigat po sa kalooban ng isang tao na magdala siya ng hindi naman kanya na pera o kung ano mang gamit na hindi naman sa kanya,” ani Tolilic.

Kailangan pong magsikap eh, hanggang kaya kailangan talagang magsikap ng mga Pilipino,”

Source :

Twitter, GMA

Loading...