[Video] Kahanga-hanga! 5 Magkakapatid, Nagtapos na Valedictorian, Salutatorian

Image capture of video by GMA News via You Tube account

“Ang karunungan ay tunay na kayamanan na maihahandog sa iyong magulang at sa iyong bayan.”

(Angeles, Pampanga) Limang magkakapatid ang humakot ng pinakamataas na parangal sa kanilang paaralan.

Taon-taon ay nagtatapos na valedictorian at salutatorian sa high school ang magkakapatid na Sombillo.

Noong 2013, nagtapos bilang valedictorian ang panganay na si Maria Celine Isabel; si George ay nagtapos na salutatorian noong 2014; at mula noong 2015 hanggang ngayong 2017 ay magkakasunod na nagtapos na valedictorian sina Maria Nicole, Maria Therese at Maria Kristina.

Dahil sa pagsusumikap ng mga Sombillo ay umabot na sa 400 ang kanilang mga medalya.

Ayon sa mga Sombillo, dedikasyon, sipag at tiyaga sa pag-aaral ang susi ng kanilang tagumpay.

Lubos ang suporta umano ang natatanggap ng magkakapatid sa kanilang mga magulang. Ang ama nila ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) at ang ina nila ay isang maybahay.

Ani Nancy Sombillo, ina ng magkakapatid, napakahalaga na maraming oras sa mga anak.

Dagdag pa ni Nancy, tinitiyak nilang mag-asawa na ibinibigay nila ang kanilang suporta sa mga anak at sa mahahalagang pangyayari sa paaralan.

Panoorin ang mga karangalan na naabot ng mga Sombillo:

Source :

GMA, You Tube