Kaye Dacer, disappointed dahil sa P1.3-M na balanse sa kanya ni Aljur Abrenica sa biniling bahay noon pang 2011

Image from Kaye Dacer's Instagram page

Masama ang loob na ibinunyag ng tinaguriang Action Lady ng Philippine Broadcasting at presidente ng 8 Trimedia Pro, Inc. na si Kaye Dacer na P1.3 milyon pa ang hindi nababayaran ng aktor na si Aljur Abrenica sa biniling bahay ng radio personality noon pang 2011.

Ayon sa ulat ng Push Mobile, nabili ni Aljur ang bahay ni Kaye Dacer sa halagang P19 milyon noong 2011 at hindi pa umano nababayaran ang balanseng P1.3 milyon. Tumigil raw sa pakikipag-communicate si Aljur at tila nakalimutan na na may utang pa siya kay Kaye Dacer.

“Ang masakit lang do’n, hindi naman ‘yung pera eh… ‘yung you completely stop communicating with me as if nothing happened, ‘di ba? Nanahimik ako. Ang tagal kong nanahimik eh. Kasi para bang… ayoko namang umabot ako sa punto na para akong namamalimos sa halagang ganu’n lang when you know very well your responsibility, ‘di ba? ‘Wag naman sana akong dumating do’n sa punto na para akong mamamalimos,” paliwang ni Dacer.

“Kasi the very fact na binarat na nga ‘yung bahay, kasi P32M ko dapat ibibenta ‘yon, eh, parang degrading na on my part eh. In the first place, hindi ko naman isinubo sa kanila ‘yung bahay ko kasi nu’ng nakita nila yon, nagustuhan nila ‘yung bahay. So yon lang, parang masakit lang,” dagdag pa niya.

Wala naman daw planong maghabla ni Dacer pero sana raw ay maisip ng aktor na may responsibilidad pa siya na dapat bayaran.

Ang sa akin lang, I want him to realize that he still owes me. ‘Yon lang ang sa akin. Sana naman maisip niya na may responsibilidad pa siyang natakbuhan na napakatagal nang panahon,anang radio personality.