KC Concepcion, bakit nagsusuot na ng hijab?

Mga imahe mula sa InstagramMga imahe mula sa Instagram

Marami ang nagtaka matapos makita ang post ng aktres na si KC Concepcion habang nagpapatulong magsuot ng hijab, o ang parang belo na ginagamit ng mga kababaihang Muslim na pantakip sa buhok nila — ngunit giit ni KC, hindi naman siya magpapalit ng relihiyon.

Sa kanyang Instagram account, isinaad ni KC sa mismong caption ng kanyang larawan na may isang makabuluhang dahilan kung bakit siya nagpaturong maglagay ng hijab. Aniya, nais niyang magsuot nito sa tuwing pupunta siya sa Mindanao, o kung saan may maraming naninirahang Muslim.

“Macmac helps me arrange my hijab. I wil­lingly wear this on every mission trip in ­Mindanao with World Food Programme Philippines,” wika niya.

[Tinutulungan ako ni Macmac na ayusin ang aking hijab. Bukal sa loob kong isinusuot ito sa bawat mission trip papuntang Mindanao kasama ang World Food Programme Philippines.]

Para sa kilalang aktres, ang pagsusuot ng hijab ay pagpapakita rin ng respeto sa mga Muslim.

“As a sign of respect for the Muslim community here [Ito ay sumisimbolo sa aking respeto sa Muslim community rito],” aniya, sabay dugtong ng “#FilipinoLove #InterFaithSolidarity Maguinda­nao Philippines #KCescapadesWFP.”

Si KC ay anak ni Megastar Sharon Cuneta sa dati nitong asawa na si Gabby Concepcion.

Panoorin ang video upang malaman kung bakit masaya si KC sa pagiging isang volunteer:

Loading...
  • shirley

    Wag kang umarte TANG-GI…Wag mong ihampas yang malaki mong binti sa camera…