Kiko Matos, umamin na nalulong siya sa ‘party drugs’ noong kabataan niya

Mga imahe mula sa Wikipedia at Kiko Matos FB page.Mga imahe mula sa Wikipedia at Kiko Matos FB page.

Isa sa mga malagim na parte umano ng buhay ng aktor na si Kiko Matos ay noong kabataan niya. Noong panahong iyon umano ay  nalulong siya sa bawal na gamot.

Kamakailan lamang ay inamin ni Matos na siya ay nalulong sa ecstasy noong kabataan niya.

“I won’t deny it. As a person growing up, maraming temptations… I was hooked when I was a teenager, when I was in business world… Ecstasy… hindi naman shabu, mostly ecstasy, party-party,” sabi ni Matos, ayon sa isang artikulo ng Philippine Entertainment Portal (PEP).

[Hindi ko itatanggi. Noong bata pa ako ay maraming tukso…Nalulong ako sa ecstasy noong kabtaan ko habang ako ay nasa mundo ng pagnenegosyo… Esctasy… hindi naman shabu, madalas esctasy, pang-party lang.]

“I think when I was 18, 19, sobrang payat ko nun, 2008-2009,” dagdag niya.

[Nasa 18 o 19 ako noon. Mga 2008, 2009 ‘yun.]

Hinggil sa kanya, nangayayat siya noong panahong gumagamit siya ng droga.

“Pero ang masasabi ko, iba ang hitsura ko nun. Ang payat ko nun. Hindi rin maganda ang takbo ng pag-iisip ko, kasi medyo sabaw, mababaw ang proseso,” saad ng aktor.

Inilahad ni Matos na itinigil na niya ang paggamit sa bawal na gamot nang makasama niya ang isang trenta anyos na lalaki na sobrang payat. Doon umano niya napag-isip-isip na masama ang esctasy sa katawan ng tao. Iyon umano ang nag-udyok sa kanya na talikuran ang bisyo.

“May nakita akong 30-year-old, nakakasama ko na nakaka-jamming ko… Sabi ko sa sarili ko, ‘Pag ipinagpatuloy ko ito, ganito ang mangyayari sa akin.’ Yun ang turning point. -Nung nakita ko siya, naisip ko, ‘Siya 30-year-old na, ano ang nangyayari sa kanya?’,” ani Matos.

“Tapos sabi ko, nakakahiya naman kung ipa-rehab ko ang sarili ko, hindi naman ako ganun kalala… Lumayo na lang ako sa mga taong yun,” dagdag ng aktor.

Ayon kay Matos, gumamit siya ng bawal na gamot nang maglayas siya. Ang mga taong nakapaligid umano sa kanya ang nag-impluwensiya sa kanya para gumamit.

“Nasa showbiz ako nun pero walang-wala akong ginagawa. Naglayas ako, hindi rin ako nag-aaral,” sabi niya.