King of catwalk Sinon Loresca, nagbigay ng tips para ma-achieve ang beach-ready body

Image capture of video by GMA News

Bagaman malapit na ang summer ay hindi pa raw huli para ma-achieve ang isang beach-ready body, sabi ni Sinon Loresca na tinaguriang “king of catwalk.”

Ayon sa GMA, sinabi umano ni Loresca na sa loob ng isang buwan ay maaari nang magkaroon ng fit na pangangatawan kung susundin raw ang kanyang tips.

Una, hindi raw dapat maging tamad sa pag-e-exercise.

“Nagkakasakit ako. Totoo, nagkakasakit ako. Feeling ko lalagnatin ako pag hindi ako nag-work out. Ang work out naman hindi naman talaga sa pagpapaseksi ng katawan, ang iba, you need to work out to become healthy,” ani Sinon.

Importante rin umano ang pagda-diet.

“Kalamansi o lemonade…araw-araw po ‘yan every morning. Tapos diet lang po tayo fish sa gabi. Bigyan n’yo po ako ng isang buwan sure ako ang swimsuit ganito ang ‘pak’… ganun kaganda,” dagdag pa ng komedyante na kilala rin bilang Rogelia sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Hindi rin daw importante na sumunod sa usong beach outfit, kahit simpleng trunks lang daw ay okay na para sa kanya.

Panoorin sa video ang tips ni Sinon:

 

 

Source :

GMA Network