Kylie, masayang si Aljur ang naging katuwang niya

Mga imahe mula sa FacebookMga imahe mula sa Facebook

Masayang-masaya raw ang aktres na si Kylie Padilla na ang aktor na si Aljur Abrenica ang nakatuluyan niya. Aniya, wala na siyang mahihiling pa sa kanyang mapapangasawa.

Ayon sa PEP, ikinuwento ni Kylie kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang fiancé na sobrang maalaga at mature.

“Sobrang cute niya, kasi he’s really making an effort. Tsaka nakikita ko na ‘yung pagiging father niya. Hindi lang ‘yung pagiging lover, father na. And for a woman to see that in their partner, parang mas nakaka-in love,” masayang saad ng aktres.

Limang buwan nang nagdadalantao si Kylie. Nakatakda niyang isilang ang panganay na anak nila ni Aljur sa huling bahagi ng Hulyo o sa unang linggo ng Agosto. Aniya, halos sabay daw silang manganganak ng kapatid niyang si Queenie.

“We had a bonding day with them. And nakakatuwa ‘coz we’re both pregnant. And we’re both the same… four days lang ang difference namin.  So, siguro sabay kami manganganak, tingin ko. Sabi ko, ‘Oh, my God, may playmate agad!” wika ni Kylie.

Nakapili na raw ang celebrity couple ng ipapangalan sa kanilang magiging supling pero hindi raw muna nila ito ihahayag sa publiko.

Wala munang kasal

Samantala, isinasantabi muna ng engaged couple ang usapin ng pagpapakasal dahil balak daw nila na ituon muna ang atensyon sa kanilang supling.

“Actually, sa ngayon, AJ and I are thinking about our baby first. One by one,” ani Kylie.

[Sa totoo lang, sa ngayon, ang iniisip muna namin ni AJ ay ang panganay na anak namin. Paisa-isa lang.]

Sa kasalukuyan, ang hangad lamang ng aktres ay maging normal delivery sana ang kanyang panganganak. Matapos manganak, hindi raw muna ito magbabalik-trabaho upang maalagaan ang sanggol.

Hiling sa ina

Samantala, hiniling daw ni Kylie sa inang si Liezl Sicangco na umuwi ng Pilipinas sa Hulyo upang makasama niya sa kanyang pangananak.

Gayunman, hanga rin siya sa pagiging supportive ng stepmother niyang si Mariel Rodriguez-Padilla.

“She’s super supportive. She’s like, ‘Okay, lahat ng gamit na hindi na namin ginagamit, sa ‘yo na lahat. Okay, thanks,’ ayoko na ring gumastos,” saad niya.

Loading...