Lacson kay Trillanes, sa Pagsisiwalat ng ‘Katotohanan’ Laban Kay Duterte: “Hindi Kami Ipinanganak Kahapon”

File photo, Public Domain

Nilibak ni Senador Panfilo Lacson si Senador Antonio Trillanes IV sa kaniyang pahayag na nais lamang nitong maisiwalat ang katotohanan sa pagtulong nito kay retired Davao City policeman Arturo Lascañas laban kay Pangulong Rodrigo Duterte .

Pero ano ang goal? Just the truth? Come on. We were not born yesterday. All of a sudden goal mo lang is just to expose the truth?” ayon kay Lacson.

For what reason, for what purpose? And what is the objective?” dagdag pa nito.

Ayon kay Lacson, Chairman of the Senate Public Order Committee, ang pagbaligtad ni Lascañas ay para idamay si Duterte sa Davao City killings na nangangahulugan ding “i-destabilize” ang kasalukuang administrasyon.

Para kay Lacson, malinaw na bahagi ng destabilization laban sa pamahalaan si Trillanes na isa sa humahawak kay Lascañas; ayon sa ulat ng GMA.

Admittedly siya naman ang handler. And of course sa kanya nag-report,” ani Lacson.

Malalaman umano ni Lacson kung may tangkang destabilization; aniya naging bahagi siya nito noong panahon ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na noo’y Pangulo.

Sabi ko nga galing ako riyan. Naging part ako ng destab during the past administration. Not under President Aquino, before that. And I know a destabilization activity when I see one,” saad ni Lacson.

So yan naging basehan kung bakit parang this sounds familiar. Ano ba aim, bakit pursigido ipalabas o ma-prolong, ma-extend ang hearing? Isa lang naman eh. To bring down this administration,” anang Senador.

Matapos ang isang hearing ay agad na ring ipinasara ang pagdinig laban kay Lascañas; aniya, ito’y: “no probative value.”

Nauna nang inihayag ni Trillanes na hindi siya maaaring akusahan ng tangkang destabilization dahil lamang sa pagsisiwalat ng katotohanan.

“8,000 na Pilipino na ang pinapatay ni Duterte pero tahimik lang kayo. Ngayon, may lumalabas na mga testigo para magsiwalat ng katotohanan, destabilization agad?” ani Trillanes.

Nauna nang inakusahan ni Lascañas ang Pangulo na nasa likod diumano ng Davao Death Squad.