Lalaki, Kulong Matapos Tagain ang Pumatay sa Kanyang Anak

File PhotoFile Photo

“Kapag sinaktan ka, kailangan mo rin bang manakit? Kapag buhay ang inutang, buhay din ba dapat ang kapalit?”

(Capiz, Visayas) Isang lalake ang  nakulong matapos nitong tagain ang isang barangay kagawad na pumatay sa kanyang 19-anyos na anak na kanyang junior.

Ani Angelo Dunton Sr., nagawa niyang tagain si Barangay Kagawad Ruperto Domo-os Jr. dahil sa pagtatangol niya sa kanyang sarili. Paliwanag pa niya, tinangka siyang barilin ni Domo-os.

Ayon sa pulisya, si Dunton Jr. ay nakipag-inuman sa babuyan na pagmamay-ari ni Domo-os. Silang dalawa ay nagkaroon ng pagtatalo na nauwi sa gulo. Diumano’y nagbanta si Dunton Jr. bago ito umalis sa babuyan ni Domo-os.

Sinundan ni Domo-os si Dunton Jr sa bahay nito at binaril. Nagtamo ito ng tama sa kanyang kilikili na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Nasaksihan ito ni Dunton Sr. dahil nangyari ang pagbaril sa kanyang anak ilang metro ang layo sa kanilang bahay.

Kinuha ni Dunton Sr. ang kanyang bolo at tinaga si Domo-os.

Sumuko si Dunton Sr. sa awtoridad nitong Lunes, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Si Dunton Sr. ay kinasuhan ng pagpatay at ngayon ay nasa Maayon police station.

Source :

ABS-CBN

Loading...