Larawan ng Amang Pinanonood Lamang Kumain ang 2 anak sa Loob ng Isang Fast Food, Umantig sa Maraming Netizens

Photo by Jhunnel Sarajan via FacebookPhoto by Jhunnel Sarajan via Facebook

Amang mapagmahal, amang mapagkalinga. Amang handang magparaya alang-alang sa kaligayahan ng mga anak.

Isang nakaaantig na larawan ng isang ama na nakaupo habang pinanonood nitong kumakain ang kaniyang mga anak sa loob ng isang kilalang fast food ang nakatawag pansin sa maraming netizens.

Ibinahagi ni Jhunnel Sarajan sa kaniyang Facebook account ang larawan ng dalawang batang babae na kumakain sa Jollibee kasama ang kanilang ama na pinanonood lamang ang mga ito hanggang sa matapos.

Si Jhunnel ay nagkataong kumakain  ng sandaling iyon sa naturang fast food at nakatawag pansin sa kaniya ang mag-aama; aniya sa kaniyang Facebook account:

I can’t contain my emotion when I saw them in Jollibee. Walang kinakain si kuya, mapakain lang ang kanyang mga anak.

Naging viral ang larawan ng mag-aama na humaplos sa damdamin ng mga netizens, at umani ng samo’t saring reaksiyon at share sa Facebook; ayon sa ulat ng KAMI.

Siya pala si Tatay Ryan Arebuabo, 38 na taong gulang, at nakatira sa 1700 Juan Luna Tondo Maynila. Ang butihing ama ay mild stroke apat na taon na ang nakararaan at iniwan sila ng kanyang asawa dahil sa kanyang karamdaman.

Dalawa ang kanyang anak na kasalukuyang nag-aaral sa Jose Corazon de Jesus Elementary School at sa pagiging isang marangal na street vendor niya sinisikap na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.

Tuwing Linggo umano ay nagsisimba ang mag-aama sa Sto. Niño de Tondo Parish at sa kakarampot niyang kinikita sa pagtitinda ay ipinagkakasya niya ito mapakain lamang sa Jollibee ang kanyang mga anak, ayon sa update ni Jhunnel; matapos niyang makapanayam ang ama.

Sa Facebook page ni Lloyd Cafe Cadena na nagbahagi rin ng larawan ay tumugon naman ang pinsan ng ama at sinabing:

“Sir. Thank u sa pag share ng picture ng couzin ko. Nagulat po kami nag trending hehe. Mabait po talaga yun. Katunayan po simula nung na mild stroke siya iniwan na po siya ng asawa niya. Thank u so much sir. Godbless!”

Samantala, dahil sa dami ng nagnanais makatulong kay Tatay Ryan at sa kanyang mga anak, muling nagpost si Jhunnel para sa mga nagtatanong: