Laviña hindi nag-resign, kundi ‘sinibak’ ni Duterte, ayon sa isang labor leader

Image from DFN FilesImage from DFN Files

MAYNILA, Pilipinas – Hindi nagr-esign kundi sinibak umano sa puwesto si dating National Irrigation Administration (NIA) chief Peter Laviña, ito ang ibinunyag ng isang labor group leader.

Ayon kay Sonny Matula, presidente ng Federation of Free Workers (FFW), noong Lunes pa sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte si Laviña bilang patunay na seryoso umano ang kasalukuyang administrasyon sa paglaban nito sa kurapsyon sa gobyerno.

“In our meeting last Monday, he said to the workers group that he takes seriously his campaign commitment. Top priorities in his list are corruption, crime/drugs, and contractualization,” ayon kay Matula sa ulat ng GMA News.

“The President said last Monday that Laviña was removed two days ago,” pagbubunyag nito.

Nauna nang inamin ni Duterte na mayroon siyang sinibak na isang opisyal mula sa Davao subalit hindi nito binanggit ang pangalan.

Ito ay matapos makipagpulong ang ilang opisyal umano ng NIA sa Pangulo at ibinulgar ang mga aktibidad ni Laviña. Nagalit umano ang presidente at sinabing: “P*t*ng i*a, may tanggalin talaga ako!”

Matatandaang sinabi ni Laviña sa kaniyang mensahe sa Facebook na may nagtatangkang sirain siya sa Pangulo subalit wala umano itong katotohanan.

“Recently, there had been efforts to discredit me again. There are rumors circulating that I have asked money from NIA contractors. These are not true!” pahayag ng datin campaign spokesperson ng Pangulo.

Napilitan umano siyang magbitiw para iligtas ang Pangulo sa kahihiyan.

Samantala, igiinit naman ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na hindi sinibak si Laviña kundi kusa itong nagbitiw.

“Let’s go by with what’s stated. He tendered his resignation… Wala po akong sinasabing sinibak,” paliwanag ng opisyal ng Palasyo.