Libreng TV Special, Handang Gawin ni Kris Aquino

Larawan mula sa post ni Kris Aquino via Instagram account.Larawan mula sa post ni Kris Aquino via Instagram account.

Kinumpirma ni Ginang Rhodora Pascual Morales o mas kilala sa tawag na ‘Tita Doray’ na handa si Kris Aquino na gawing libre ang kanyang TV special.

Si Tita Doray ang producer na walang pangambang nag-produce ng tv comeback ni Kris na pinamagatang #TripNiKris. Aniya, hindi nila iyon maaaring gawin dahil malaking oras at panahon ang ilalaan ni Kris sa show.

Ibinunyag din ni Tita Doray na tinanong siya kung bakit niya gustong i-produce si Kris. Aniya, sinasabi sa kanya na baka ‘langawin’ o baka walang manood ng show, ayon sa ulat ng Abante Tonite.

Sinabi ni Tita Doray na hindi siya nanalig sa mga nasabing tao. Naniniwala siya na hindi mo maibababa ang isang mabuting babae.

Ani Tita Doray, nagagalingan siya sa hosting ni Kris. Dagdag pa niya, matagal na niyang pangarap na mag-produce ng show para sa popular na tv host-actress.

Sinabi rin ni Tita Doray na inilalagay ni Kris ang kanyang puso sa mga bagay na passionate siya, totoo sa kanyang emosyon, masayahin, ‘down to earth’  at sumusunod sa kanyang mga assignments..

Unang pagkakataon ito ni Tita Doray na magproduce sa TV. Ang ilan sa kanyang mga high profile projects ay concerts nina Daniel Padilla at Ryzza Mae Dizon. Sinusuportahan din niya ang ilan sa delegates ng “World Championships of the­ ­Performing Arts”.

Masayang sinabi ni Tita Doray na matagal na niyang kilala si Kris at madalas nakikita niya ito sa parties. Dagdag pa niya, nitong Enero, nagkita sila ni Kris at doon nagsimula ang pagbuo ng isang TV show.

Ani Tita Doray, gusto ni Kris na ang kanyang TV special ay tulad ng “Parts Unknown” ni Anthony Bourdain.

“Dapat nga, birthday special ito. Kaso, mangi­ngibang-bansa siya. Pagbalik niya sa bakasyon, ayun, tawagan na agad,” saad ni Tita Doray.

Sa TV special ni Kris, ipapakita ang beauty at bounty ng Nueva Ecija. Ani Tita Doray, maraming sopresa ang show na ikagugulat ng mga manonood. Dagdag pa niya, masaya ang show, magaan at maganda sa mata at ginawa ni Kris ang lahat.

Ipalalabas ang TV special na “#TripNiKris” sa ika-9 ng Abril, 2017. Ito ay isang two-hour travel special na mapanonood sa GMA 7.

“Tiyak na gugustuhin ninyong pumunta sa Nueva Ecija pag napanood ninyo at tiyak na tiyak na masasabi ninyong si Kris Aquino lang ang pwedeng gumawa nito,” saad ni Tita Doray.

Loading...