“Lightning rally” ng mga kasapi ng CPP-NPA nagdulot ng pagsisikip ng trapiko sa Edsa

Image capture of video by Allan Gatus via TwitterImage capture of video by Allan Gatus via Twitter

Isang lightning rally ang isinagawa ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army sa EDSA dakong alas-otso ng umaga Lunes, ika-27 ng Marso.

Ayon sa ulat ng GMA, nagdulot ng pagsisikip ng trapiko ang mapayapang protesta ng CPP-NPA na tumagal lamang ng dalawampung minuto. Ilang streamers ang iniladlad ng mga raliyista na humihimok sa mga mamamayan na lumahok sa digmaang bayan at sumapi sa NPA.

Nauna rito, nagsagawa rin ng kaparehong mabilisang rally ang grupong Kalipunan ng mga Gurong Makabayan o KAGAMA, isang grupo na diumano ay kasapi rin ng NPA, sa Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila noong Sabado, ika-25  ng Marso.

Agad rin namang naghiwa-hiwalay ang grupo nang magsimulang sumikip ang daloy ng trapiko sa lugar.

Ang mga protesta ay isinagawa bilang advance commemoration umano ng ika-46 na anibersaryo ng NPA sa ika-29 ng  Marso.

Loading...