Lolo, nag-sorry matapos mahuli sa akto na minomolestiya ang dalawang apo, lasing lang daw siya

Image from DWIZImage from DWIZ

Isang lolo sa Cebu City ang humingi ng tawad matapos siyang maaktuhang minomolestiya ang dalawa niyang apo na may edad na anim at walong taong gulang.

Sinabi ni Police Officer 2 Yolanda Arcillas ng Women and Children Protection Desk sa Guadalupe Police sa isang panayam sa Bombo Radyo na naganap ang pang-aabuso sa bahay mismo ng suspek noong Sabado, ika-4 ng Marso.

Ang ama ng dalawang bata ang nakahuli sa matanda sa ginagawa nito. Hindi naman nagawang saktan ang suspek, ngunit napagbalingan umano ng ama ng mga biktima ang bahay ng matanda na pinagbabayo umano ng malaking bato.

Hindi na naitanggi ng matanda, na ngayon ay nakakulong na, ang nagawang kasalanan at agad na nag-sorry. Lasing na lasing lang daw siya kaya niya iyon nagawa. Sa panayam pa rin ng Bombo Radyo, inamin rin ng suspek na isa pang apo ang minolestiya niya noong Disyembre nang nakaraang taon dahil lasing din siya noon.

Dinala naman sa ospital ang mga biktima upang masuri ang kalagayan.

Source :

Bombo Radyo

Loading...