Luis, hangang-hanga sa pagiging thoughtful ni Jessy

Mga imahe mula sa FacebookMga imahe mula sa Facebook

Hangang-hanga raw ang aktor na si Luis Manzano sa pagiging maalalahanin ng kanyang kasintahang si Jessy Mendiola.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, isa sa mga hindi makalilimutan ni Manzano ay kung paano pinangiti ni Jessy ang kanyang ina na si Vilma Santos noong Valentine’s Day. Lingid sa kaalaman ni Manzano noong una, nagpadala pala ang aktres ng mga bulaklak kay Santos.

“Jessy is very, very thoughtful. In fact nagulat na nga ako Jessy sent flowers on her own kay mommy. Ako hindi ko nagawa, hindi ko nabibigyan ng flowers ‘yon. Nagulat na lang ako my mom sent me a message saying, ‘please thank Jessy for me.’ Pero she also messaged Jessy,” ani Manzano.

[Sobrang maalalahanin si Jessy. Sa totoo lang, nagulat na nga lang ako na nagpadala pala ng bulaklak si Jessy para kay Mommy. Ako hindi ko nagawa, hindi ko nabibigyan ng bulaklak ‘yon. Nagulat na lang ako noong nagpadala ng mensahe ang nanay ko sa akin at sabi niya, ” Magpasalamat ka kay Jessy para sa akin.’ Pero nagpadala rin naman siya ng mensahe kay Jessy.]

Kumportable na rin umano si Mendiola sa pamilya ng nobyong si Manzano. Sa katunayan nga raw ay madalas na siyang isama ng aktor sa mga okasyong pang-pamilya.

“Natural lang, nagkukulitan, nagkukuwentuhan ng mga kalokohan. Ganyan kami kapag nagsama-sama na. I’m very, very happy they’re getting along,” kuwento ni Manzano.

Matatandaan na nitong nakaraang Disyembre lamang ay nag-post si Mendiola ng isang larawan na patunay lamang na magkakasama silang nagdiwang ng Pasko.

Samantala, sa isang panayam kay Santos, sinabi ng aktres na nais na umano nitong magkaapo ngunit aniya, hindi niya pa ito nababanggit sa anak at nobya nito. Gayunman, nakikita naman daw niya kung gaano kaligaya ang magkasintahan.

Loading...